^

PM Sports

Lady Tams, Lady Bulldogs target ang unang panalo

Francisco Cagape - Pang-masa
Lady Tams, Lady Bulldogs target ang unang panalo
Si Jerilli Malabanan sa isang laro ng FEU Lady Tamaraws sa UAAP.

MANILA, Philippines – Sisimulan ng 2018 se­mifinalists na Far Eas­tern University Lady Ta­maraws at National Uni­versity Lady Bulldogs ang  kanilang mga kampanya sa pagbubukas ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Season 80 runner-up Lady Ta­maraws ang fourth pla­cer Lady Bulldogs sa main game ngayong alas-4 ng hapon matapos ang laban ng University of the East Lady Red Warriors at University of the Philippines Lady Ma­roons sa alas-2.

Sa men’s division, bu­buksan ng NU Bul­l­dogs ang pagdedepensa sa korona sa pakikipag­tuos sa FEU Tamaraws sa alas-10 ng umaga, ha­­bang maghaharap ang UE Red Warriors at UP Fighting Ma­­roons sa alas-8 ng uma­ga.

“Maganda  ang nangyari nang makapasok kami sa Finals last year. It was our first after 10 years. The experiences  na gusto namin at that point, malaking ba­gay ‘yun para sa aming kampan­ya this season,” sa­bi ni FEU head coach George Pascua.

Matapos noong 2008 ay muling nakapasok sa Finals ang Lady Ta­maraws sa nakaraang taon ngunit winalis naman sila ng ‘three-peat’ champions De La Salle Lady Archers, 2-0, sa ka­nilang best-of-three titleseries.

“Ang Season 80 ay pa­rang turning point na­min. Kumbaga, nagka­roon na kami ng idea. Nagkaroon na ng self-confidence ‘yung mga pla­yers. So ngayon, we are looking forward na mag-bounce back this season,” dagdag ni Pascua.

Nawala sa FEU si lea­­ding scorer Ber­na­deth Pons at sina libero Kyla Atienza at Chin-Chin Basas dahil sa in­jury, kaya sasandal si Pas­cua kina Jerilli Ma­la­banan, Celine Domingo, Heather Guino-o, Kyle Negrito, libero Bu­ding Duremdes, Angeli Ca­­yu­na, Czarina Carandang at sa mga baguhang sina Lycha Ebon, Elize Ronquillo at Lyka Bautista.

Sa panig naman ng Lady Bulldogs ay nawala na rin sina Jaja San­tiago, Aiko Urdas, libero Gayle Valdez, Jasmine Nabor, Jorelle Singh, Ro­ma Doromal at Risa Sato dahil sa academic issue kaya iItatapat ng bagong head coach na si Norman Miguel ang mga baguhang galing din sa ‘four-peat’ high school champion ng NU.

Pangunahan ng mga bata ngunit batak sa eks­peryensa na sina high school three-time Best Set­ter Joyme Cagande, Ivy Lacsina, Prin­cess Rob­les at li­be­ro Jennifer Nierva.

Makakasama nila ang mga beteranong si­­na Roselyn Doria, Au­drey Paran at Jonni Cha­vez.

“Sa akin naman, kahit rookies sila, I still take it an advantage ka­­­si galing naman sila sa champion team sa UA­AP high school. Al­though,  iba pa rin na­man siyempre ‘yung in­­tensity ng games sa college,” sabi ni Miguel sa mga baguhang Lady Bulldogs.

LADY TAMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with