UAAP Women’s volleyball Live sa ABS-CBN channels

MANILA, Philippines — Magsisimula na ang isa sa mga pinakahihintay na torneo ng volleyball fans sa Sabado sa pagbubukas ng UAAP Women’s Volleyball Tournament na mapapanood ng Live sa lahat ng plataporma ng ABS-CBN sa telebisyon, cable, at online.

Maghaharap ang University of the East (UE) Lady Warriors at University of the Philippines (UP) Lady Maroons sa alas-2:00 ng hapon sa The Arena sa San Juan bilang panimula na susundan naman ng laban ng Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws at National University (NU) Lady Bulldogs sa alas-4:00 sa ABS-CBN S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, sports.abs-cbn.com, at iWant. Mapapanood naman ang highlights ng mga laro sa ABS-CBN Sports YouTube channel.

Samantala, maagang magbabakbakan ang De La Salle University (DLSU) Lady Spikers at Ateneo De Manila University (ADMU) Lady Eagles ngayong season sa kani-kanilang opening game sa Linggo sa alas-4:00 ng hapon. Bago ang inaabangang sagupaan ng magkaribal, maghaharap muna ang Adamson University (AdU) Lady Falcons at University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses sa FilOil Flying V Centre sa alas-2:00.

Show comments