DETROIT - Humakot si big man Andre Drummond ng 14 sa kanyang season-high na 27 points sa third quarter para pangunahan ang Pistons sa 129-103 pagdurog sa Denver Nuggets.
Winakasan ng Detroit ang six-game winning streak ng Denver.
Nagdagdag si star forward Blake Griffin ng 17 points para sa Pistons habang may 14 markers si Reggie Jackson.
Pinamunuan naman ni Trey Lyles ang Nuggets mula sa kanyang 20 points.
Nabitawan ng Denver ang pagkakatabla nila sa Golden State Warriors para sa best record sa Western Conference.
Sa New York, kumolekta si Giannis Anteto-kounmpo ng 30 points, 15 rebounds at 9 assists para banderahan ang Milwaukee Bucks sa 113-94 paggupo sa Brooklyn Nets.
Nagdagdag si Malcolm Brogdon ng 16 points kasunod ang 15 markers ni Eric Bledsoe para sa Bucks, naipanalo ang huli nilang apat na laban sa pamamagitan ng double digits margin.
Naimintis ng Brooklyn ang 19 sa kanilang unang 20 three-point attempts para sa magaang na panalo ng Milwaukee, may best record sa kasalukuyan.
Tumapos ang Nets na may masamang 5-for-42 (11.9 percent) shooting sa 3-point range.
Pinangunahan ni D’Angelo Russell ang Brooklyn, nalasap ang ikatlong dikit na kabiguan, sa kanyang itinalang 18 points.
Sa Washington, humugot si Taurean Prince ng 12 sa kanyang 21 points sa fourth quarter at isinalpak ang lima sa 20 triples ng Atlanta Hawks para payukurin ang Wizards, 137-129.