Ika-4 panalo asam ng Mighty Sports

DUBAI, United Arab Emirates – Tangka ng Mighty Sports ang four-game sweep sa Group B elims sa pagharap sa Al-Wahda nitong Martes (Miyerkules, Manila time) sa 30th Dubai International Basketball Championship sa Shabab Al Ahli Club dito.

Sa likod ng 98-89 panalo kontra sa Lebanese champion club na Homenetmen noong Linggo, nakikita ni Mighty Sports coach Charles Tiu ang mahigpit na laban sa alas-9:00 ng gabi (1 a.m. ng Miyerkules, Manila time) kung saan palalakasin ng isang 7-foot-4 center ang Syrian club.

“Better prepare guys, Al-Wahda also has three imports, one stands at 7-foot-4,”  pahayag ng batang kapatid ng kare-retire lang na Rain or Shine star na si Chris Tiu. “So we can’t afford to relax although we’re now assured of finishing either as No. 1 or No. 2.”

Umaasa si Tiu na makakakuha siya ng produsiyon sa pagkakataong ito mula kay dating LA Lakers star Lamar Odom na nasa bench na lang matapos ‘di umiskor sa huling dalawang laro ng Pinoy squad.

Ang 6-foot-10 na si Odom ay umiskor ng four points sa kanyang comeback game laban sa Ame-rican University in Dubai sa opener matapos ma-stroke, apat na taon na ang nakakaraan.

Naririyan pa rin sina Ginebra resident import Justin Brownlee at Chinese league veteran Randolph Morris para tumulong sa team kung hindi makakapag-produce si Odom para sa team na naghahanda na para sa knockout quarterfinal stage ng tournament na magsisimula sa Huwebes.

Sa pinakamagandang laro ni 6-foot-4 Gray, tumapos ito ng 24 points habang ang 6-foot na si Brickman ay tumapos na may 12 points at limang assists habang nagdagdag si De Liaño ng 11 points.

 “While we have already surpassed our one-win showing two years, our mission is far from over. So stay focused guys,” sabi ng nakakatandang  Wongchuking sa text message kay Tiu.

Show comments