Odom interesadong lumaro dito sa Pinas

Lamar Odom

MANILA, Philippines — Bukas ang two-time National Basketball Association (NBA) champion na si Lamar Odom na manatili sa bansa upang maglaro sa ibang liga kahit pa sa pagtatapos ng kanyang Mighty Sports stint sa Dubai International Basketball Championship sa susunod na linggo.

Ito ang inanunsyo ng dating Los Angeles Laker sa kanyang media availability kahapon sa The Theatre Solaire bago niya tulungan ang Philippine bet na Mighty Sports sa Dubai tourney na nakatakda mula Pebrero 1 hanggang 9.

“I’m happy to be in Manila. It meant a lot to me to restart my basketball career here,” anang 39-anyos na si Odom na sinamahan nina Mighty Sports owner Angelo Wongchuking, manager na Zoul El Fassi at agent na si Sheryl Reyes.  “This is my first time here. If it goes good then I can see myself playing here in the Philippines. It can happen, who knows? It can happen.”

Bagama’t aminado ang batikang agent na si Reyes na plano niyang imbitahan bilang import sa Philippine Basketball Association (PBA) at Asean Basketball League para sa pambatong koponan ng San Miguel-Alab Pilipinas, hindi ito posible ngayon dahil naghahanda si Odom para 3x3 league ng Amerika BIG3.

“He’s preparing for the BIG3. It depends on the schedule but it’s a no brainer, I would want him to play for Alab in ABL or in the PBA,” ani Reyes na siyang agent ng karamihan ng imports sa ABL at sa PBA.

Kung sakali, maaa-ring maglaro ang 6’10 na si Odom sa mid-season conference ng PBA na Commissioner’s Cup habang kulang pa ng isang import ang Alab sa ABL na sasamahan sina Renaldo Balkman at PJ Ramos.

Subalit sa ngayon, nakatuon muna ang atensyon ni Odom sa Mighty Sports kung saan makakasama niya ang iba pang imports na sina Randolph Morris at Justin Brownlee gayundin ang ilang local na manlalaro na sina Juan Gomez De Liano, Jett Manuel at Joseph Yeo.

“I haven’t played basketball in 5 years. So my goal is just improvement. They can expect a double effort from me and I hope I can make the Filipino people proud,” pagatatapos niya.

Show comments