Si Pia ang nagpanalo sa Ginebra

MANILA, Philippines — Minsan lamang magkomento si Tim Cone sa muse ng Ginebra.
Ngunit inamin ng two-time PBA Grand Slam champion coach na malaki ang naging kontribusyon ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa 90-79 panalo ng Gin Kings laban sa TNT Katropang Texters sa pagbubukas ng 2019 PBA Philippine Cup noong Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Hindi naitago ni Cone, may kabuuang 21 PBA championships kasama ang dalawang PBA Grand Slam para sa Alaska at San Mig Coffee, ang paghanga niya kay Wurtzbach.
“I got to meet Pia Wurtzbach, so that was exciting. She didn’t know who I was, but I certainly knew who she was,” sabi ni Cone sa Pinay beauty queen. “She doesn’t need to know who I am. She’s Miss Universe.”
Halos isang oras nagbabad si Wurtzbach sa dugout ng Ginebra bago ang parada ng mga muses.
“She was in a locker room for like an hour, so we were all giving her glances. Trying not to, but we were. So, it’s fun having her there,” kinikilig na kuwento ni Cone.
- Latest