MANILA, Philippines — Mula sa tradisyunal na mahabang karera ay pinutol sa limang stages ang LBC Ronda Pilipinas 2019.
Sinabi ni LBC Ronda Pilipinas executive project director Moe Chulani na nakikiisa sila sa pagkakaroon ng Filipino cyclist sa Olympics sa unang pagkakataon matapos lumahok si Norberto Oconer noong 1988 sa Seoul, Korea at noong 1992 sa Barcelona, Spain.
“LBC Ronda Pilipinas was first held with an end goal of sending a Filipino racing in the Olympics and this is its way of helping the country realize that dream,” wika ni Chulani.
Bibitawan ang LBC Ronda Pilipinas 2019 sa Pebrero 8-12 sa Iloilo City, Guimaras, Roxas at Antique kung saan itataya ang qualifying points para sa 2020 Tokyo Olympics.
Kabuuang 15 teams kasama ang pitong local squads ang papadyak sa Ronda Pilipinas 2019.