MANILA, Philippines — Magsasagawa ang Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) ng tryout upang madagdagan ang national pool sa women’s division na sasabak sa ilang malalaking international tournaments sa taong ito.
Nakatakda sa Enero 24 at 25 sa Arellano University ang tryout na pangangasiwaan nina national team coaching staff members coach Shaq Delos Santos, Kungfu Reyes at Brian Esquibel.
Ilan sa mga tinatarget ng LVPI ay sina Kalei Mau, Milena Alessandrini, Faith Nisperos, Alyssa Solomon, Dell Palomata, Eya Laure at Diana Mae Carlos.
Hindi binuwag ng LVPI ang national pool na lumahok sa mga international competitions noong nakaraang taon.
Nangunguna sa listahan sina Alyssa Valdez, Aby Maraño, Jaja Santiago, Dindin Santiago-Manabat, Mylene Paat, Cha Cruz-Behag, Jia Morado, Mika Reyes, Maika Ortiz, Aiza Maizo-Pontillas, Kim Fajardo, Kianna Dy, Dawn Macandili, Denden Lazaro, Jasmine Nabor, Grethcel Soltones, Risa Sato at Jema Galanza.
Apat na malalaking torneo ang inaasahang lalahukan ng Pilipinas sa taong ito.
Una na ang AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Abril 20 hanggang 28 sa China at ang 3rd Asian Women’s U23 Women’s Volleyball Championship sa Hulyo 23 hanggang 31 sa Vietnam.