Teodoro inihabol ng Ginebra

MANILA, Philippines — Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaron big-la ng koponan si Teytey Teodoro, ilang araw nalang bago ang inaaba-ngang pagbubukas ng 44th Philippine Basketball Association (PBA) season sa Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

 

Ito ay matapos siyang makapirma ng isang conference na kontrata sa crowd favorite na Barangay Ginebra ayon kay head coach Tim Cone.

Bumilib aniya ang PBA winningest coach na si Cone sa galing ni Teodoro na inihalintulad niya sa dating pambatong manlalaro na si Willie Miller, dahilan upang makuha ang huling spot sa Ginebra roster papasok sa 2019 Philippine Cup.

Bagama’t napili bilang 25th overall pick ng Columbian sa 2018 PBA Annual Rookie Draft noong nakaraang buwan, bigong makakuha ng kontrata si Teodoro sa koponan na piniling papirmahin sina top pick CJ Perez gayundin ang iba pang rookies na sina JP Calvo at Jeepy Faundo.

Sa kabutihang palad, panibagong pinto ang nagbukas para sa Jose Rizal University standout na si Pinto nang magtry-out siya sa Gin Kings at sorpresang napasali pa sa final line-up para sa All Filipino conference.

Matapos pumirma ng kontrata, kaagad nagpasiklab ang kaliweteng si Teodoro nang umiskor ng walong puntos sa 91-86 tagumpay ng Ginebra kontra sa Phoenix kahapon sa isang tune up sa Upper Deck Gym.

Bunsod nito, inaasahang magiging mala-king tulong si Teodoro sa backcourt ng Ginebra na pinapangunahan nina Mark Caguioa, Sol Mercado, LA Tenorio at Scottie Thompson.

Makakasama rin nila ang mga higanteng sina Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Joe Devance at Jervy Cruz na bumalik na mula sa injury kahapon din at umiskor agad ng 19 puntos upang buhatin ang Gin Kings sa tagumpay.

Masusubukan ngayon ang kilatis ng kumpletong Gin Kings kontra sa bagong bihis na Talk ‘N Text sa Linggo sa alas-6:30 ng gabi pagkatapos lamang ng Leo Prieto Awards sa alas-4 ng hapon.

Show comments