ABU DHABI, United Arab Emirates — Ang 2019 Asian Cup ay may malaking koleksyon ng mga international coaching heavyweights.
Ilan dito ay sina Marcello Lippi na gumiya sa Italy sa World Cup title noong 2006 at Sven-Goran Eriksson na gumagabay sa Philippine Azkals.
Kinuha ng Philippine Football Federation ang Swede para sa Azkals.
“With this generation of players, the Philippines have the chance to show that football is good in the Philippines,” sabi ni Eriksson, dinala ang England sa quarterfinals ng World Cup noong 2002 at 2006. “If we can go through that will mean a lot for the country.”
Nakamit naman ni Lippi ang Chinese Super League at Asian Champions League titles para sa Guangzhou Evergrande.
Maglalaro ang China sa Asian Cup na may isang panalo lamang sa pitong laro.
Ang runner-up noong 1984 at 2004, lalabanan ng China ang Kyrgyzstan kasunod ang Azkals at South Korea sa Group C.