Nang ma-block ang Facebook account ni direk Joey Reyes, idinaan niya sa kanyang Twitter ang nangyari sa kanyang account.
“Suddenly I’m blocked by Facebook for allegedly posting & sharing non-permissible content reported by another member. Uh, my Christmas dinner at home? Or my observations about on ongoing festival?” tweet ni direk Joey.
Naisulat namin dito ang obserbasyon ni direk Joey ngayong festival. May panawagan siya sa mga sinehan kaugnay ng entries na agad pinu-pull out kapag hindi masyadong pinapasok ng manonood.
Mabigat ang huli niyang pahayag. “Iba ang negosiyante sa sugapa.”
Naku, direk, may Twitter at Instagram pa naman, huh!
Regal naka-line up na ang mga pasabog sa 2019!
Kasado na ang pasiklab na pelikula ng Regal Entertainment sa 2019 na pinamumunuan ni Roselle Monteverde.
Base sa line up, mga bagong tandem, millennial stories at binigyan ng break ang baguhang directors.
Unang isasalang ang tambalan nina Janine Gutierrez at Enchong Dee sa Elise na inspired sa true story. Mula ito sa diresyon ni Joel Ferrer.
Fresh team up din ang handog ng Regal sa pelikulang Time & Again na pinagbibidahan nina Winwyn Marquez at Enzo Pineda. Si direk Joey Reyes ang director nito.
Binigyan naman ng break ang singer-comedian na si Teddy Corpuz sa Papa Pogi. Co-stars niya sina Myrtle Sarrosa at Donna Cariaga. Ang stand up comedian na si Alex Calleja ang director.
After ng festival movie naman ni Jessy Mendiola na The Girl In The Orange Dress, sila naman ni Arjo Atayde ang bibida sa pelikulang Stranded.
Millenial na millennial naman ang konsepto ng bagong obra ni Jason Paul Laxamana na ng Henerasyong Sumuko sa Love. Bida rito sina Jerome Ponce, Jane Oineza, Albie Casiño, Myrtle Sarrosa, Tony Labrusca at Dennis Trillo.
Ang Regal din ang magdi-distribute ng pelikulang Mina-Anud.
Bukod sa aming nabanggit na movies, may iba pang pelikulang sinu-shoot ang Regal gaya ng Finding My Movie at naka-line up pa ang pelikula nina Derrick Monasterio at Erich Gonzales.