Happy ako na maganda ang reviews sa pelikula nina Coco Martin, Maine Mendoza at Bossing Vic Sotto.
Lahat ng mga nanood, natuwa na ibang-iba ang offer na pelikula ngayon nina Bossing sa 44th Metro Manila Film Festival.
Kahit si Coco puring-puri ng moviegoers dahil naiibang putahe ang ibinigay sa kanila. Halos lahat ng reviews magaganda, mga write up maganda, ang word of mouth maganda at dito pa lang, happy na ang lahat ng fans nina Coco, Maine at Vic.
Isang malaking bagay na magustuhan ng publiko ang pelikula na isinali sa kumpetisyon at kumita pa. Lahat halos, may clamor na maulit ang tambalang Vic at Coco na special kaya dapat samantalahin.
Huwag palampasin ang pagkakataon na mapanood ang dalawa sa pinakasikat na artista ng pelikula at telebisyon.
At para makita rin natin na hindi lang pang-commercial ang mga kasali, naroroon pa rin ang pagnanais na maibigay ang isang magandang produkto para sa mga tao.
Congrats Bossing Vic. Congrats Coco. Congrats Maine at I love you Team Puliscredibles ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles. Thank you for a good movie.
Bayad sa sine, mahigit P500 Na!
Naloka naman ako sa isyu na hindi naging fair ang distribution ng theatres para sa mga kasali sa Metro Manila Film Festival 2018.
Siyempre, alam natin na may mga movie producer na mas malapit sa theater owners na gusto rin na malakas o pinipilahan na movie ang palabas sa kanilang mga sinehan.
Pero mas matindi talaga ang isyu ng inirereklamo na napakataas na presyo ng cinema tickets.
Halos umaaray na ang lahat sa presyo kapag nanood ka ng sine. Imagine, may more than P500 pesos ang presyo ng tickets kaya gintung-ginto ngayon ang value ng festival passes na ipinamigay ng MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) at ng MMFF organizers.
Hindi natin masisisi ang pagtataas ng ticket prices dahil mahal na ang mag-produce ng pelikula, mahal ang bayad sa kuryente, mahal ang maintenance ng movie houses at may mga empleyado sila na sinusuwelduhan.
Suwerte na lang talaga ang mga pelikula na top-grosser dahil nakabawi ang mga producer at theater owners.
Kawawa ang mga filmfest entry na mahihina sa takilya dahil hanggang doon na lang talaga ang kapalaran nila.
Magaganda pa naman ang selection ngayon ng mga kasali sa filmfest dahil pinaghalo ang quality at entertaintment, mga big star pa ang mga bida.
Sayang kung hindi mapapanood ang lahat ng mga pelikula pero ano magagawa mo kung isang entry lang ang kaya ng bulsa mo?
Sa halip na manood ng sine, iba na lang ang pinipili na pagkagastusan ng mga tao. Hay naku, sana ma-extend pa ang showing ng ibang mga pelikula ng MMFF 2018 dahil sayang kapag hindi napanood.
Pati nga si Kim Chiu nag-apela na rin na dagdagan ang sinehan ng pelikula nila nina Dennis Trillo at JC de Vera, ang One Great Love na 3rd best picture ng MMFF 2018.
Matino na pelikula ang One Great Love at mahusay ang direksyon ni Eric Quizon, pati na ang acting ng mga bida kaya malaki ang mami-miss ng moviegoers kapag hindi nila pinanood ang filmfest entry ng Regal Entertainment Inc.