^

PM Sports

Pringle balakid sa pagkopo ni Fajardo sa pang-limang PBA MVP

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Si NorthPort point guard Stanley Pringle ang sinasabing magi­ging balakid sa pagkopo ni June Mar Fajardo ng San Miguel ng kanyang re­cord na pang-limang PBA MVP award.

Sa pagtatapos ng 43rd season ay nagpos­te si Pringle, ang 2015 Roo­kie of the Year awar­dee, ng cumulative average na 35.5 points para manguna sa race sta­tistics.

Nasa ilalim niya ang 6-foot-10 na si Fajardo na nagtala ng 33.1 SPs bagama’t nakita lamang sa tatlong laro ng Beermen sa nakaraang 2018 PBA Governor’s Cup bu­­nga ng injury.

Dahil dito ay naka­kolekta lamang ang 26-anyos na Cebuano giant ng 10.67 SPs sa na­sabing season-ending con­ference.

Natunghayan naman ang 5’11 na si Pringle sa walong laban ng Batang Pier sa nasabing torneo na pinagharian ng Magnolia Hotshots laban sa Alaska Aces.

Kinuha ni national coach Yeng Guiao si Pringle para sa Team Pi­lipinas na sumabak sa Asian Games at sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sa kanyang walong la­ro sa PBA Governor’s Cup ay nakapag-ipon ang Fil-Am guard ng 34 SPs na pinakamataas sa ha­nay ng mga kandidato para sa MVP trophy. 

Sa kabila ng kanyang pagiging segunda kay Pringle ay mala­kas pa rin ang tsansa ni Fajardo na makamit ang pang-lima niyang MVP award bunga ng pa­­nalo niya sa Player of the Confe­rence ng 2018 PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup.

Bukod kina Pringle at Fajardo, ang iba pang na­sa Top Five ng MVP race ay sina swingman Japeth Aguilar (32.3 SPs) ng Barangay Gi­nebra, Sean Anthony (31.3) ng NorthPort at Mat­thew Wright (30.0) ng Phoenix.

 Nakatakdang gawin ang Leo Awards kung sa­an ibibigay ang PBA MVP at Rookie of the Year trophy, sa pagbu­bukas ng 2019 PBA Phi­lippine Cup sa Enero 13 sa Philippine Arena sa Bo­caue, Bulacan.

Ang iba pang nasa Top 10 ay sina shooter Mar­cio Lassiter (29.80), Arwind Santos (29.77) at guard Alex Cabag­not (29.74) ng San Mi­guel, Scottie Thompson (29.6) ng Ginebra at big man Paul Erram (28.5) ng Blackwater.

Inaasahan namang ma­­kokopo ni Phoenix for­ward Jason Perkins ang PBA Rookie of the Year award.

Bitbit ni Perkins ang 32.2 SPs kasunod si Jeron Teng (18.7) ng Alas­ka.

Sina 2017 top draft pick Christian Standhar­dinger ng San Miguel at No. 2 selection Kiefer Ra­vena ng NLEX ay hin­­di nakasama sa lista­han dahil sa kabiguang ma­­kuha ang hinihinging bilang ng kanilang mga inilaro sa season.

 

PRINGLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with