Banchero pinagmulta

MANILA, Philippines – Matapos si Magnolia veteran point guard Mark Barroca ay si Chris Banchero ng Alaska naman ang pinatawan ng multa ng PBA Commissioner’s Office.

Pinagbayad ang Fil-Italian playmaker ng Aces ng P20,000 dahil sa paghampas sa mukha ni Hotshots forward Ian Sangalang sa Game Five ng 2018 PBA Go­vernors’ Cup championship series noong nakaraang Biyernes.

Tinakasan ng Magno­lia ang Alaska, 79-78, mu­­la sa game-winning jump shot ni combo guard Paul Lee sa natitirang 1.3 segundo ng fourth quarter para kunin ang 3-2 benta­he sa kanilang best-of-se­ven titular showdown.

Pinilit pigilan ni Banchero ang fastbreak layup ni Sangalang sa huling 18.7 segundo ng final can­to ng nasabing laro.

Itinuring lamang na re­gular foul ang pagsapok ni Banchero sa mukha ni Sangalang na kumumpleto sa kanyang three-point play at nagbigay sa Magnolia ng 77-76 abante laban sa Alaska.

Nauna nang pinata­wan si Barroca ng mul­tang P50,000 dahil sa pag­hampas sa maselang ba­hagi ng katawan ni Ban­chero sa Game Four.

 

 

Show comments