7th Asian Continental Chess Championship
MANILA, Philippines — Pinataob ng 17-anyos na si Woman FIDE Master Allaney Jia Doroy ng Pilipinas si IM Gulishkan Nakhbayeva ng Kazakhstan habang nagwagi naman si IM Ricky de Guzman laban kay IM Sumiya Bilguun ng Mongolia sa fourth round ng 7th Asian Continental Chess Championship (2nd Manny Pacquiao Cup) noong Huwebes ng gabi sa Tiara Hotel sa Makati City.
Sa kanyang panalo, umangat ang 58-anyos na si IM Ricky de Guzman sa 22-way tie sa pang-sampung puwesto sa parehong 2.5 puntos pagkatapos ng apat na round sa nine-round tournament na sinusuportahan nina Sen. Manny Pacquiao, Philippine Sports Commission at NCFP president Butch Pichay.
Ang malaking panalo ay nagbigay kumpiyansa sa US-based na si De Guzman patungo sa kanyang susunod na laban kontra kay IM Nodribek Yakubboev ng Uzbekistan sa fifth round.
Ito na ang ikalawang panalo ng 1,981 Asian Junior’s champion na si De Guzman, ang una ay kay Bai Adelard ng Chinese-Tapieo at tumabla kay IM Shmasidding Vokhidov ng Uzbekistan para ma-kabawi sa kanyang talo kay 14th seed GM Rinat Jumabayev ng Kazakhstan noong Lunes.
Ang two-time gold medalist ng ASEAN School competition na si Doroy ay umakyat sa seven-way tie sa 8th spot sa pare-parehong 2.5 puntos para maging best performer sa mga Filipino campaigners.
Ang kanyang 1,972 rating ay mas mas mababa kumpara sa 2,145 ni Nakhbayeva. Ang iba niyang panalo ay kay Olympian Catherine Secopito na mayroong 2,371 rating at tumabla siya kay WFM Li Yunshan ng China na may mataas ding 2,196 rating.
Natalo lamang si Doroy kay 14th seed WFM Turmunkh Munkzul ng Mongolia sa opening day at mula noon paakyat na ang kanyang performance.
Tiwala si Doroy na masusundan ang malaking panalo sa paghaharap kontra kay WIM Dewi Ardhiani Anastasia Citra ng India sa fifth round.