Mainit na ang laban

MANILA, Philippines – Dito na maaaring pumutok ang emosyon ng mga Aces at Hotshots.

Nagtabla ang serye, pag-aagawan ng Alaska at Magnolia ang maha­lagang 3-2 bentahe sa ka­nilang upakan sa Game Five ngayong alas-7 ng ga­bi sa 2018 PBA Governor’s Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Mula sa 0-2 pagkakabaon ay nakabangon ang Aces sa pag-angkin ng Game Three, 100-71 at Game Four, 90-76 para itabla sa 2-2 ang kanilang best-of-seven championship series ng Hotshots.

Sa nasabing panalo no­ong Miyerkules ay sa­ri-saring insidente ang nangyari.

Nasiko ni Best Import Mike Harris ng Alaska si Romeo Travis sa kilay sa huling anim na minuto sa third quarter, samantalang binanatan naman ni veteran guard Mark Bar-roca ang maselang bahagi ng katawan ni Chris Banchero sa nalalabing 2:40 minuto ng fourth period.

Naging maanghang ang komento ni Aces head coach Alex Compton sa officiating ng mga referees.

Ayon naman sa 35-an-yos na si Harris, isang NBA veteran, hindi ang pagiging pisikal ang magpapanalo sa isang koponan.

“This game is more mental. So in most of the places I’ve played at, I’ve been known as smiley because at end of the day, once the referees calls the foul, there’s no-thing you can do about it,” sabi ni Harris, naglaro sa NBA para sa Milwaukee Bucks, Houston Rockets, Utah Jazz at Minnesota Timberwolves.

Humakot si Harris ng 34 points, 22 rebounds at 3 blocks sa Game Four.

Pinatawan ng PBA Com­missioner’s Office si Barroca ng P50,000 at P20,000 ang multa kay Compton.

“We made a deal. You have to be willing to take a punch for our team and not throwing back,” sabi ni Compton sa kanilang usapan ng kanyang mga Alaska players sa kabila ng inaasahang mas magi­ging pisikal na Game Five.

Kumolekta si Travis ng 29 points at 13 rebounds habang nagdag-dag si Best Player of the Conference Paul Lee ng 14 points at 8 boards sa pa­nig ng Magnolia.

Sinabi naman ni Hotshots mentor Chito Vic­tolero na hayaan na la­mang ni Compton na ma­ngasiwa sa laro ang mga referees at hindi silang mga coaches.

“The referees will de­cided where there is a foul, flagrant foul, and what’s not a flagrant foul. The coaches, hindi ‘yan ma­kakapag-decide,” ani Vic­tolero.

 

Show comments