Victolero binawian si Compton
MANILA, Philippines — Bumalikwas si Magnolia head coach Chito Victolero sa mga akusasyon ni Alaska mentor Alex Compton kaugnay sa kanyang mga guwardiya matapos ang Game 3 ng umiinit na 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup best-of-seven Finals kamakalawa ng gabi sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.
Ayon kay Victolero, tagumpay si Compton sa pagtawag ng atensyon ng mga referees na pumabor aniya sa kampo ng Aces tungo sa masaklap na 71-100 kabiguan ng Hotshots sa Game 3.
“Coach Alex is doing a good job also of calling the attention of the referees last game,” ani Victolero. “I think nakuha niya ‘yung attention ng referee sa sinasabi niyang my guards keep on fouling, my guards are playing like, dirty.”
Ang pahayag na ito ni Victolero ay pangontra sa naunang panayam ni Compton matapos ang 71-77 pagkatalo ng Alaska noong Game 2.
Magugunitang sinabi noon ni Compton na nakakalusot sa mga fouls ang Hotshots guards na sina Mark Barroca at Jio Jalalon.
“I admire Mark and Jio but they got to get their hands off when they’re shoving us and karate chopping,” ani noon ni Compton. “I have not yet once,I don’t think publicly complained about the officiating but those guys foul a lot and dont’ get called for it.”
Wala umanong katotohahanan ang pinagsasabing ito ni Compton dahil walang ginagawang masama ang mga manlalaro ni Victolero dahil ang kilalang depensa na talaga ang armas ng Hotshots bilang top defensive team.
- Latest