^

PM Sports

Creamline gustong makabuo ng dynastiya

Pang-masa

MANILA, Philippines — Namumuno ang dinastiya ng Creamline matapos ma­sungkit ang ikalawang su­­nod na korona sa Pre­mier Volleyball League Season 2 Open Confe­rence kamakalawa nang kanilang ma-sweep ang best-of-three championship series kontra sa Ateneo Lady Eagles.

Naitala ng Creamline ang 25-17, 25-10, 25-15 pa­­nalo sa Game One, ha­bang hindi na nila pina­porma pa ang Ateneo ma­karaang kubrahin ang 25-20, 25-20, 25-15 demolisyon sa Katipunan-based team sa Game Two.

 Malaking dahilan ng pag­-akyat ng Cool Sma­shers sa tuktok ang dy­na­mic duo na sina outside hit­ter Alyssa Valdez at play­­maker Jia Morado.

Nasungkit ni Valdez ang Season MVP at Best Outside Hitter awards at pi­nangalanang Finals MVP at Best Setter si Morado.

Hindi rin matatawaran ang kontribusyon nina Michele Gumabao, Jema Ga­lanza, Risa Sato at Maria Paulina Soriano na tunay na maaasahan sa oras na kailangan ng puntos ng Creamline.

Minanduhan naman ni li­bero Melissa Gohing ng floor defense para mas ma­pa­dali ang setting chores ni Morado ngunit numero unong da­hilan para maabot ng Cool Smashers ang tuga­tog ng tagumpay ay ang Thai head coach na si Tai Bundit.

Inialay ng Creamline fa­­mily ang Open Confe­rence title para kay Bundit na na­katakda nang lisanin ang tropa upang bumalik sa Bangkok, Thailand para pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya.

DYNASTIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with