^

PM Sports

Tamaraws naka-playoff

Francisco Cagape - Pang-masa
Tamaraws naka-playoff
Pilit lumusot ni Sean Ildefonso ng NU laban kina Leo Gion at Wilson Bartolome ng UE.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Nagtagumpay ang Far Easten University Tamaraws sa pagsungkit ng playoff para sa huling Final Four berth matapos tambakan ang Adamson Soaring Falcons, 82-56 kahapon sa huling araw sa eliminations ng Season 81 UAAP basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa umpisa pa lamang, rumatsada na agad ang Tamaraws ng 16-5 bentahe na lumobo sa 46-22 sa first half at mula doon ay naging lopsided na ang laban para sa tropa ni coach Olsen Racela.

Lumamang ng hanggang 67-36 ang FEU tungo sa pagsungkit sa kanilang pangwalong panalo sa 14 laro at tumapos sa elimination round na kasama ang UP at DLSU sa three-way tie mula sa ikatlo hanggang pang-limang puwesto dahil sa pare-parehong 8-6 win-loss kartada.

Dahil sa mas mataas na quotient, nakuha ng University of the Philippines ang ikatlong puwesto habang ang Tamaraws at De La Salle Green Archers ay maghaharap sa knockout playoff sa Miyerkules upang pag-agawan ang huling Final Four berth sa Araneta Coliseum.

Kung sino man ang magwawagi sa playoff ay haharap sa top seed Ateneo Blue Eagles sa semis at sa isa pang semis match, magtatagpo naman ang second seed Adamson Soaring Falcons at third seed UP Maroons sa Final Four simula sa Sabado.

Pagkatapos sa double round elimination, tumapos pa rin ang Adamson sa ikalawang puwesto sa 10-4 record. Bilang top seeds tangan kapwa ng Adamson at Ateneo ang twice-to-beat advantage sa semis.

Tinapos din ng National University Bulldogs ang kanilang kampanya nang muli nilang padapain ang University of the East Red Warriors, 79-71, sa isa pang laro.

Pinangunahan ng Fil-Am na si Troy Rike ang Bulldogs sa kanyang 17 puntos at 13 rebounds habang 12 puntos naman kay Issa Gaye na may kasamang anim na rebounds at walong blocks upang walisin ang Red Warriors sa season na ito kabilang na ang 88-61 panalo sa first round ng elims noong Oktubre 13.

Sa 4-10 card, bumaba ang performance ng NU  kumpara sa kanilang 5-9 panalo-talo sa nakalipas na taon habang ang UE ay nagtala ng 1-13 slate mas mababa rin sa kanilang 3-11 record sa Season 80.

UAAP BASKETBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with