LOS ANGELES — Pumirma si veteran center Tyson Chandler sa Lakers dalawang araw matapos ang kanyang buyout agreement sa Phoenix Suns.
Ibibigay ni Chandler ang kinakailangang frontcourt depth para sa Lakers, sumasandal kay JaVale McGee at sa mga undersized forwards para bantayan ang mga big men ng kanilang kalaban sa 4-6 star sa season.
Hindi pa ginagawa ni rookie center Moe Wagner ang kanyang debut dahil sa isang knee injury, kaya hindi na siya mahintay na gumaling ni Lakers basketball boss Magic Johnson.
Maaaring maglaro ang 36-anyos na si Chandler ng regular minutes para kay coach Luke Walton at para matulungan si superstar LeBron James.
“Having observed our roster for the first 10 games of this young season, one of the areas that Earvin and I discussed with Luke that we desired to upgrade is interior defense and rebounding,” sabi ni Lakers general manager Rob Pelinka. “In Tyson Chandler, we addressed that need and so much more. We are excited that Tyson will bring championship-level experience that will solidify our veteran leadership and help positively shape our young core.”
Si Chandler ay isang standout NBA defender at rebounder at magandang karagdagan sa mga vete-ran Lakers na sina Rajon Rondo, Lance Stephenson, McGee at Michael Beasley.