^

PM Sports

May pinu-push pa si Chan

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lubos ang kasiyahan ni Jeff Chan sa pinakabago niyang parangal bilang bagong miyembro ng 5,000 points club sa Philippine Basketball Association (PBA) ngunit mas mahalaga ang team championships sa puntong ito ng kanyang PBA career higit sa individual awards.

Kamakalawa ng gabi, umiskor si Chan ng 12 puntos, tatlong rebounds at limang assists upang maging mala-king bahagi ng pagpasok ng reigning champion Barangay Ginebra sa semis ng 2018 PBA Governors’ Cup matapos ang 111-75 tagumpay kontra sa NLEX.

Dahil doon, umakyat na ang kabuuang career points ngayon ng 35-anyos na si Chan sa 5, 009 upang maging pinakabagong miyembro ng prestihiyosong 5,000-point club.

“Malaking accomplishment ito. Kasi to be one one of 90-plus players diba. Kahit paano, may accomplishments tayo,” ani Chan na naging ika-91 na manlalarong nakaabot ng naturang marka sa 43-taong kasaysayan ng liga. “Masaya pero most importantly ay nanalo kami at naka-advance sa semis. ‘Yun naman ang importante, bonus nalang yung 5, 000 points.”

Pumasok sa PBA ang FEU gunner na si Chan noong 2008 bilang 17th overall pick ng Barako Bull bago nalipat sa Rain or Shine kung saan siya nabansagang ‘Negros Sniper’ bago mapadpad sa Phoenix noong 2017 at Ginebra ngayong taon.

Nagwagi na si Chan ng tatlong kampeonato, isang Finals MVP, maraming All Star selections at napasali na rin sa national team.

JEFF CHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with