Blue Eagles hindi matinag sa solong pangunguna

MANILA, Philippines — Nanatili pa rin sa so­lo top spot ang nagdedepensang Ateneo Blue Eagles matapos gumanti sa kanilang first round tormentor na Adamson Soaring Falcons, 62-48, sa Season 81 UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Mula sa 26-17 bentahe sa first half, biglang umarangkada sina Isaac Go, Matt Nieto at Anton Asistio ng 15-4 run para iposte ang kanilang pinakamalaking bentahe sa 41-21 sa 5:40 minuto sa ikatlong yugto.

Tumapos si Go na may season-high na 12 points kasama ang 6 re­bounds at 1 assist, habang si Thirdy Ravena ay umani ng 10 markers, 10 rebounds, 2 steals at 2 blocks upang maka­bawi sa kanilang 70-74 pagkatalo sa Soaring Falcons sa first round no­ong Sept. 9.

Kahit natalo ay nanatili pa rin ang Falcons ni coach Franz Pumaren sa solo second spot sa 8-3 kartada.

Sa iba pang laro, bu­mawi naman ang Far Eastern Uni­versity Ta­ma­raws sa University of the East Red Warriors, 80-61, para masungkit ang pang-anim na panalo sa 12 laro at manati­ling buhay ang asam na Final Four berth.

Nagtala si Arvin Tolentino ng 18 points, 5 rebounds, 2 steals at 1 block para gumanti sa ka­nilang 65-90 kabigu­an sa Red Warriors sa first round noong Sept. 30.

Bukod kay Tolenti­no, nagdagdag din si Kenn Tuffin ng 17 puntos, 4 rebounds, 1 assist at 1 steal, habang si Barkly Ebona ay nag-pos­te ng 12 points, 15 re­bounds at 1 assist para iangat ang Tamaraws sa pang-apat na puwesto ka­sama ang UP Figh­ting Maroons sa pareho nilang 6-6 kartada.

“For us, it’s a new lease on life. It’s our first win sa second round and we’re hoping to get the next games to keep our playoff hopes alive,” ani FEU coach Olsen Ra­cela sa kanilang tsansa sa Final Four.

Show comments