MANILA, Philippines — Nakipagtambalan ang Tanduay kay Bacolod celebrity chef JP Anglo bilang kanilang brand ambassador.
Si Anglo ay anim na taon nang nagsu-surf at inamin niyang ginagamit niya ang Tanduay sa kanyang pagluluto.
“I love cooking with alcohol. When I started surfing, I used Tanduay in the dishes I make. When we opened our restaurant Sarsa, we put Tanduay in our garlic rice or when we sautéed onions,” ani Chef JP.
Sa lahat ng kanyang surfing adventures sa iba’t ibang dako ng bansa, ginagamit niya ang kanyang talent sa pagluluto para ipakilala ang mga Filipino flavors at ang kuwento ng mga taong nagluluto nito.
Kaya naman nakuha niya ang atensiyon ng Tanduay Distillers para maging brand ambassador.
Si Cris Par, isang local surfing instructor sa La Union, ang nagturo kay Chef JP na mag-surf. Matapos malulong sa surfing, sinisiguro ni Chef JP na siya ay nasa kondisyon.
“I try to be fit, because of surfing. Everything in my workout routine is related to surfing. It may look cool for a sport, but it’s hard. I am thankful for it made me grounded,” ani Chef JP.
Panoorin si Chef JP sa paglikha ng mga specialty dishes gamit ang Tanduay rhum sa bagong series ng online videos sa Tanduay Rhum official Facebook page.