^

PM Sports

Tio abot na sa P3-M ang matatanggap

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ang insentibo ni Filipino-Norwegian kiteboarder Christian Tio na nakasungkit ng pilak na medalya sa 2018 Youth Olympic Games na ginanap kamakailan sa Buenos Aires, Argentina.

Ito ay matapos aprubahan ng Philippine Olympic Committee (POC) executive board ang endorsement para bigyan ng P500,000 pabuya si Tio.

“The board had no second thoughts about granting this incentive. The achievement of this young man gives inspiration to the many grassroots athletes who aspire to give glory to our country. It also continues our initiative to reward outstanding performances by our athletes,” ani POC president Ricky Vargas.

Nauna nang inihayag ng Philippine Sports Commission (PSC) na tatanggap si Tio ng tumataginting na P2.5 milyong cash reward mula sa gobyerno base sa Republic Act 10699.

Isinalba ni Tio ang kampanya ng Pilipinas sa Youth Olympics matapos pumangalawa sa Boys’ IKA Twin Tip Racing ng sailing competition.

Ito ang ikalawang medalya ng bansa sa naturang quadrennial meet kung saan nakahirit ng ginto si Luis Gabriel Moreno sa mixed event ng archery competition noong 2014 Youth Games sa Nanjing, China.

Target ni Tio na makahirit ng tiket sa 2024 Olympic Games na idaraos sa Paris, France.

Wala sa kalendaryo ang kiteboarding sa 2020 Tokyo Olympics.

“I still have six years to prepare for that once in a lifetime opportunity,” ani Tio.

Natutong mag-kiteboarding si Tio sa edad na pito sa ilalim ng paggabay ng kaniyang mga magulang na parehong professional kiteboarders. Iang ulit nang nagwagi si Tio ng tropeyo sa age-group category sa iba’t ibang local at international tournaments.

CHRISTIAN TIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with