^

PM Sports

P2.5-M ang matatanggap ni Tio

Francisco Cagape - Pang-masa
P2.5-M ang matatanggap ni Tio
Christian Tio

MANILA, Philippines — Makakatanggap ng P2.5 million pesos ang Filipino-Norwegian na si Christian Tio sa kanyang silver medal finish sa men’s kiteboarding IKA Twin Tip Racing sa nakaraang 2018 Youth Olympic Games noong Oktubre 6-18 sa Buenos Aires, Argentina.

Ang 17-anyos na si Tio na lumaki sa Boracay, Aklan kung saan siya natuto sa kiteboarding mula pa sa edad na 7-anyos ay ang tanging medalist sa 7-man Team Philippines na sumabak sa YOG.

“I’m happy. But I enjoy a lot that’s what really my mindset in going there,” sabi ni Tio, ang world no. 2 sa juniors division noong 2015.

Pagkatapos sa YOG tinatarget na ngayon ni Tio ang iba’t ibang qualifying events para sa 2020 Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan.

“I’ve still enough time to improve and hopefully I would qualify to the 2020 Olympiad,” dagdag ni Tio na anak nina Filipina Leizl Tio at Norwegian professional kiteboarder Chris Mohn.

Tumapos si Tio sa naturang event sa kanyang 29 puntos at net points na 13 kasama si Toni Vodisek ng Slovenia sa likuran ng gold medalist na si Deury Corniel ng Dominican Republic. Si Vodisek ay nagwagi rin ng silver medal sa nasabing event.

Base sa Republic Act 10699 na tinatawag na Expanded Coverage ng National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act 2001, ang gold medalist ng YOG ay bibigyan ng P5 million pesos habang P2.5 million sa silver at P1 million sa bronze medalist.

Ito pa lang unang medalya na nasungkit ng Pilipinas sa YOG na credited sa Philippine Olympic Committee (POC) dahil ang gold medal na nakamit ni archer Luis Gabriel Moreno kasama ang Chinese partner noong 2014 YOG sa Nanjing, China ay hindi credited sa POC at kahit sa NOC ng China kungdi sa International Olympic Committee lamang.

CHRISTIAN TIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with