Harris mas gustong makuha ang titulo kesa sa PBA Best Import award

MANILA, Philippines — Kampeonato at hindi Best Import lamang ang nais na isukbit ni Mike Harris ng Alaska bilang debuting import sa 2018 PBA Governors’ Cup.

Iyan ang kanyang ina­min matapos ang isa na namang halimaw na numero sa 104-94 ta­gumpay ng Aces kontra sa Columbian Dyip upang umangat sa 6-2 kar­tada katabla ang Blackwater sa ikatlong pu­westo sa likod ng Mag­nolia (7-2) at nag­de­depensang Barangay Ginebra (7-2).

“No, (I’m not eyeing that Best Import award). I’ve had quite of those in my career, and for me, that was never my fo­cus,” ani Harris, nag­sal­pak ng double-double na 44 points at 27 re­bounds.

Isa si Harris sa mga pa­boritong ma­nalo ng Best Import na para­ngal sa likod ng kanyang mga ave­rages na 28.50 points, league-best na 21.13 rebounds at 2.13 assists sa walong laro ng Aces.

Ito ang unang pagkakataon na naglaro sa Pi­li­pinas ang dating Utah Jazz player.

Para sa kanya ay hin­di niya kailangan ang in­dibidwal na para­ngal da­hil nakakota na siya ng mga ito sa kanyang ka­­rera sa buong mundo tulad ng dalawang Fi­nals MVP sa Balonces­to Superior Nacional (BSN) sa Puerto Rico, isang BSN season MVP, NBA Developmental League MVP at NBA D-League All-Star.

“For me, now at this stage of my career, I play for championships. A championship is far greater than getting Best Import award,” sabi ng 35-anyos na si Harris.

Lubos naman ang pa­­­sa­sa­la­mat ni Alaska coach Alex Compton na kagaya ni Harris ang na­kuha nilang import.

 

Show comments