May future ang swimming kay Oliva
BUENOS AIRES -- Nagkuwalipika si Nicole Oliva sa 400-meter freestyle event kung saan nakalaban niya ang pinakamahuhusay na junior swimmers sa buong mundo sa 2018 Youth Olympics sa Olympic Park dito.
Ngunit hindi ito na-ging sapat para makakuha ng anumang medalya ang 16-anyos na Pinay tanker.
Tumapos si Oliva sa ikaanim na puwesto sa inilista niyang 4:16.61 na ayon sa pangulo ng Philippine Swimming, Inc. ay magiging sandigan ng national swimming team sa mga dara-ting na kompetisyon.
“We have somebody special here after she swam faster in all her races,’’ wika ni PSI president Lani Velasco. “We didn’t expect this. Nicole is the first Filipina to qualify in four QTAs (qualifying time A).’’
Umabante rin si Oliva sa finals ng 200m freestyle at lumangoy sa mga heats ng 100m at 800m freestyle events.
Nakatakdang sumabak si Oliva sa Olympic trials sa United States sa Pebrero ng susunod na taon.
Bago ito ay kakampanya muna siya sa SEA Age Group Championships sa Cambodia sa Hul-yo at sa SEA Games na pamamahalaan ng bansa sa Nobyembre.
Inangkin ni Ajna Ke-sely ng Hungary ang gold sa 400m freestyle (4:07.14) kasunod sina Delfina Pignatiello ng Argentina (4:10.40) at Marlene Kahler ng Austria (4:12.48) para sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.
Sinabi ng ama ni Oliva na si Mark na natuto ang Pinay swimmer na lumangoy nang nakitaan siya ng potensyal ng isang lifeguard sa Cebu City.
“Our next big goal is to qualify Nicole in the (2020) Olympics. I think we can expect much more from Nicole in the Olympics,’’ wika ni Velasco.
Samantala, nakipagtambal si Pinay archer Nicole Tagle kay Hendrik Oun ng Estonia sa paglahok sa mixed international event sa Technopolis.
Sa kiteboarding, pu-mangatlo si Filipino-Norwegian Christian Tio sa dalawa sa tatlo niyang sinalihang karera, habang sisimulan nina golfers Yuka Saso at Carl Janno Corpus ang kanilang laban sa mixed international event sa Hurlingham Club.
- Latest