SAN ANTONIO -- Humataw si Dejounte Murray ng 16 points para pangunahan ang Spurs sa 117-91 paggiba sa Detroit Pistons sa kanilang NBA preseason game.
Umiskor naman si Rudy Gay ng pitong puntos sa inihulog na 14-0 bomba sa first quarter para makontrol ng San Antonio ang laro laban sa Detroit.
Nagdagdag si center LaMarcus Aldridge ng 14 points para sa Spurs, habang may 13 at 6 markers sina Pau Gasol at DeMar DeRozan, ayon sa pagkakasunod.
Humakot naman si slotman Andre Drummond ng 18 points at 10 rebounds sa panig ng Pistons, nakahugot kina Henry Ellenson at Stanley Johnson ng tig-11 markers.
Sa Minnesota, humugot si Paul George ng 13 sa kanyang 23 points sa first quarter para sa 113-101 panalo ng Oklahoma City Thunder laban sa Timberwolves.
Kumolekta si Steven Adams ng 14 points at 13 rebounds para sa Oklahoma City, habang nagdagdag sina Dennis Schroder, Nerlens Noel at Jerami Grant ng tig-12 markers.
Sa Memphis, nagtala si Marc Gasol ng 21 points at nagdagdag si MarShon Brooks ng 18 markers mula sa bench para pamunuan ang Grizz-lies sa 120-110 panalo laban sa Atlanta Hawks.
Tumipa ang Memphis ng 29 points buhat sa mga turnovers ng Atlanta.
Kinuha ng Grizzlies ang 113-84 bentahe sa 7:54 minuto ng fourth period bago nagpakawala ang Hawks ng 26-7 atake para sa kanilang nine-point deficit sa huling minuto.
Sa New York, nagpa-sabog si Tim Hardaway, Jr. ng 21 points, habang nag-ambag si Enes Kanter ng 20 points at 15 rebounds para akayin ang Knicks sa 106-100 panalo laban sa New Orleans Pelicans.
Tumipa ang Memphis ng 29 points buhat sa mga turnovers ng Atlanta.