May ibubuga pa si Caguioa
MANILA, Philippines — Tunay ngang kalabaw lang ang tumatanda matapos patunayan ng 38-an-yos na si Mark Caguioa na hindi pa siya kupas sa pagpasok sa prestihiyosong 10,000-point club ng Philippine Basketball Association.
Umiskor ng 16 na puntos ang manlalarong tinaguriang ‘The Spark’ sa 106-92 panalo ng Ginebra kontra sa NLEX sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Governors’ Cup upang eksatong makatuntong sa 10,000 puntos.
Bunsod nito, naging ika-16 na manlalaro at ika-15 lokal si Caguioa na naka-ipon ng naturang puntos sa 43-taong kasaysayan ng pinakamatandang liga sa Asya.
Dagdag pa rito, sinundan niya sina Robert Jaworski Sr. at Francis Arnaiz bilang natata-nging Ginebra player na nakasungkit ng naturang titulo sa kasaysayan ng prangkisa.
Nasa ika-16 taon na bilang manlalaro ng Gin Kings simula nang mapili bilang ikatlong overall pick noong 2001 PBA Rookie Draft, sinamahan din ni Caguioa sina Atoy Co, Benjie Paras at Alvin Patrimonio bilang mga manlalarong naabot ang 10K puntos sa isang koponan lamang.
Walang pagsidlan ng tuwa si Caguioa sa pina-kabagong titulo sa kanyang makulay na karera.
“I am just thankful to reach that, hindi ko naman siya hinihintay. But to join other locals na nakagawa nun, it’s an honor to be next to those guys. To do it for one team, nagpapasalamat ako,” aniya.
Para kay Caguioa na naging Rookie of the Year noong 2002, Most Valuable Player noong 2012, Best Player of the Conference at Mythical Five ng makailang ulit, sahog pa ang anim na kampeonato, 12 All-Star selections at miyembro rin ng ‘40 Greatest PBA Players’, aniya’y wala na siyang mahihiling pa bukod sa dagdag na kampeonato bago siya magretiro.
“Wala na (akong hina-hanap sa career ko.) Ang hinahanap ko na lang is more championships before I retire. Sana sunud-sunod na championships, makatulong ako sa team na manalo pa ng championships,” ani Caguioa na sinamahan din si James Yap bilang natatanging active players ngayon na miyembro ng 10k club.
Related video:
- Latest