Butler babalik sa Wolves?

MINNESOTA -- Maaaring bumalik si Jimmy Butler sa tropa ng Timberwolves habang naghihintay ng trade mula sa ibang koponan.

Plano ni Butler na kumampanya para sa Minnesota sa pagsisimula ng regular season kapag nakarekober na siya sa kanyang wrist injury.

Gusto ni Timberwolves coach Tom Thibodeau na muling mapaglaro si Butler, wala pang pinal na desis-yon kung kailan siya sasama sa ensayo ng tropa.

Ang Miami ang nangunguna sa paghugot sa serbis-yo ni Butler bagama’t wala pang napagkakasunduan ang Heat at Timberwolves na trade package.

Isang first-round draft pick noong 2011, hinirang si Butler bilang NBA Most Improved Player noong 2014-15 at dalawang beses napabilang sa All-NBA Third Team at apat na beses sa All-Defensive Second Team.

Dinala ng Chicago Bulls si Butler sa Minnesota matapos ang isang trade noong Hunyo ng 2017.

Sa 59 games sa nakaraang season ay naglista si Butler ng mga averages na 22.2 points, 5.3 rebounds, 4.9 assists at 2.0 steals per game para sa Timberwolves.

Maglalaro si Butler sa ikaapat na season ng kanyang five-year, $92.3 million contract na pinirmahan niya sa Bulls noong 2015, ngunit maaari siyang sumubok sa free agent market sa pamamagitan ng pag-iwan sa kanyang final year.

Nakatakda siyang tumanggap ng base salary na $18.7 milyon sa 2018-19 season.

 

Show comments