Letran knights lumapit sa twice-to-beat

MANILA, Philippines – Humataw si Bong Quinto ng pitong puntos sa hu-ling tatlong minuto upang iangat ang Letran Knights sa 80-79 panalo laban sa Lyceum Pirates kahapon at makasiguro ng playoff para sa huling semifinal berth  sa pagpapatuloy ng 94th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Halos naka-upo na si Quinto sa sahig pero naipasok pa rin niya ang winning shot, mahigit 1:53 minuto na lang ang natitira, 80-77 tungo sa malaking panalo na dumiskaril sa asam ng Pirates na makuha na ang unang twice-to-beat advantage sa Final Four.

Kumonekta rin si JC Marcelino ng malayong tira sa susunod na play para sana maitabla ang laro sa 80-80 pagkaraan ng regulation period ngunit nang i-review ng tatlong referees ang huling basket ni Marcelino, nakitang umapak siya sa linya na siyang nagbigay daan para itakas ng Knights ang panalo.

Tumapos si Quinto ng 20 puntos, 10 nito sa fourth quarter at anim na rebounds para maitala ang pang-11th panalo sa 15 laro at  makaganti sa 82-87 pagkatalo sa Lyceum sa first round ng eliminations noong Agosto 27.

Si Larry Muyang ay umiskor din ng 23 puntos, 16 rebounds, apat na blocks at isang assist at 18 naman mula kay JP Calvo para sa Letran.

Sa ibang laro, nagwagi ang Mapua Cardinals laban sa Emilio Aguinaldo Generals, 80-67 para sa kanilang panglimang panalo sa 16 laro habang tinambakan naman ng Arellano Chiefs ang Jose Rizal Heavy Bombers, 86-70 sa non-bearing games.

Umani si Laurenz Victoria ng 15 puntos, anim na assists, apat na rebounds at apat na steals habang si Noah Lugo ay tumulong ng 18 puntos, apat na asists at tatlong rebounds para sa Cardinals. Ang Generals at nakatikim sa kanilang ika-12th na talo sa 16 laro.

Show comments