MANILA, Philippines — Hindi ikinukunsidera ni Hall of Fame boxing legend Roberto Duran na isang tunay na bakbakan ang pinaplantsang rematch nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.
Ito ay dahil na rin sa sinasabing malaking premyo na hinahabol nina Pacquiao at Mayweather matapos ang kanilang super fight noong Mayo ng 2015.
Kaya naman mas gusto ni Duran na labanan ni Mayweather si World Boxing Council at World Boxing Association middleweight champion Saul “Canelo” Alvarez ng Mexico.
“I would like to see Canelo get the rematch with Mayweather, and I bet you that Canelo wins - because remember that (Mayweather) does not like to be beaten down. You try to beat him down and he runs around holding his (balls),” wika ni Duran sa panayam ng ESPN Deporttes.
“That’s a fight that I would like to see him come back for, because Mayweather is going to return for a fight with Pacquiao and that is not a fight,” dagdag pa ng Puerto Rican boxing legend.
Si Mayweather ang nagpatikim ng nag-iisang kabiguan ni Alvarez (50-1-2, 34 KOs) noong 2013 sa isang catch-weight fight sa 152-pounds.
Tinalo naman ni Mayweather si Pacquiao via unanimous decision sa kanilang mega showdown na binasag sa record sa pay-per-view at gate attendance sa boxing history.
Nagmula si Pacquiao sa isang seventh-round TKO victory laban kay Lucas Matthysse para agawin sa Argentine ang suot nitong WBA welterweight crown noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Huli namang lumaban si Mayweather noong Agosto ng nakaraang taon kung saan tinalo niya si UFC superstar Conor McGregor sa pamamagitan ng tenth-round TKO win sa Las Vegas, Nevada.
Nagkita sina Pacquiao at Mayweather sa isang music festival sa Tokyo, Japan noong nakaraang buwan kung saan nila napag-usapan ang rematch.
“He should fight with Canelo for two reasons. He beat him and who are the ones who fill the Las Vegas hotels? The Mexicans do, not the gringos. The Mexicans are the ones who fill the hotels because they are not only going to see a fight, they are going to see a show, and the Mexicans are going to have fun, the American is calmer. I have studied everything,” ani Duran kay Mayweather.