MINNESOTA -- Ikinagulat nina key veteran players Taj Gibson at Derrick Rose ang trade demands ni teammate Jimmy Butler.
“At the end of the day, you’ve got to look at it from a player’s standpoint and a business standpoint,” wika ni Gibson sa ESPN.
Humingi si Butler ng trade sa Minnesota bago ang preseason games.
Sinabi ni Butler na wala na siyang planong pumirma muli ng kontrata sa Timberwolves at gusto na niyang lumipat ng ibang koponan.
Naglaro sina Gibson at Rose kasama si Butler para sa Chicago Bulls.
“That’s my brother, man,” wika ni Gibson sa 29-anyos na si Butler. “I love Jimmy to death. We don’t even talk about basketball.”
Sa nalalapit na pagbubukas ng NBA season ay sinusuportahan pa rin nina Gibson at Rose ang anumang magiging desisyon ni Butler.