^

PM Sports

Maraming offer kay Kai Sotto

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Maraming offer kay Kai Sotto
Kai Sotto

MANILA, Philippines — Magpapatuloy ba sa paglalaro ang Filipino basketball teen sensation na si Kai Sotto dito sa Pilipinas? O susubukin niya ang kanyang kapalaran sa ibang bansa?

Iyan ang nagbabagang katanungan ngayon sa 7’1 na Ateneo giant matapos lumitaw ang sandamakmak na alok sa kanya ng iba’t ibang international agents.

Pinakamabigat na dito ang alok na $1 milyon sa loob ng 5 taon upang maglaro sa Spanish division club na Real Madrid na maaaring maging daan niya tungo sa pangarap na maging kauna-unahang purong Pilipino sa NBA, ayon sa ulat ni Quinito Henson ng Philippine Star.

Ang alok na ito ay umusbong sa kampo ni Sotto matapos ang pambihirang pagpapamalas ng kanyang potensyal sa nakalipas na taon upang maging pinakamagaling na batang sentro ngayon sa Asya.

Unang nagpasiklab si Sotto noong 2017 FIBA Under-16 Asia Cup sa China kung saan nadala niya ang Pilipinas sa ikaapat na puwesto sa likod ng double- double average na 16.4 puntos at 10.6 rebounds.

Ipinagpatuloy niya ito sa 2018 FIBA Under-17 World Cup sa Argentina kung saan pumang-13 ang Pilipinas sa 16 na pinakamagagaling na youth nations sa bansa sa likod ng 16.8 puntos at 13.5 rebounds bago magkasya sa 12.7 puntos at 8.7 rebounds sa isa namang fourth place finish ng Batang Gilas sa 2018 FIBA U-18 Asia Cup sa Thailand upang makaabante ang koponan sa 2019 FIBA U-19 World Cup.

Bukod sa Real Madrid offer sa Spain ay may mga alok din sa 16-anyos na si Sotto na maglaro sa U.S.A, Germany at Australia.

Bagama’t bukas ang kanyang amang si Earvin, si Kai maging ang kanilang buong pamilya at paaralan niyang Ateneo sa posibilidad lalo na’t sa kapakanan ng Filipino teen sensation ay sinabi ng kanyang ama  na sa ngayon ay nakatuon sa pag-aaral ang kanyang anak na kasalukuyang nag-aaral sa Ateneo High School at may tatlong taon pa bago magkolehiyo.

Ayon sa ulat, kung magsisimula na si Sotto sa pagsasanay ngayon sa Spain ay mahihinog na siya sa edad na 19-anyos para sa NBA gaya nga ng naging ruta ng NBA entry nina Luca Doncic ng Dallas at Kristpas Porzingis na nagsimula ang career sa Spanish ball clubs.

Kung dumating man ang oportunidad na ngayon ay wala pang opisyal na pag-uusap ay saka nalang anila pagdedesisyunan.

KAI SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with