Philippine Billiard team nalo sa Taiwan
MANILA, Philippines — Pinangunahan ng billiards legend na si Efren “Bata” Reyes ang 13-10 panalo ng Team Philippines kontra sa host Chinese-Taipei sa 2018 Pool Classic Competition Taiwan versus Philippines na ginanap sa Taroko Mall sa Taichung City, Taiwan noong Set-yembre 21-23, 2018.
Ibinulsa ng Team Philippines ang 10,000 US Dollar dahil sa kanilang impressive performance habang ang host Chinese-Taipei ay nakatanggap naman ng 5,000 US Dollar sa kanilang efforts.
Ang iba pang miyembro ng Team Philippines ay sina World 9-Ball champion Carlo Biado, Johann Chua, Jeffrey Ignacio, Roland Garcia at Puyat Sports official Christine “Ish” Caparras.
Ang Chinese-Taipei squad ay binubuo naman nina Ko Pin Yi, Ko Ping Chung, Chang Jun Ling, Chen Yu Chung at Yu Huan Chang.
Nakaungos si Reyes kay Chang, 6-4 at tinalo ng tambalan nina Reyes at Ignacio sina Ko Pin Yi at Chang Chen, 6-3.
Tinalo rin ni Ignacio si Ko Pin Yi, 6-0, nakaungos si Biado kay Chang Jung Lin, 5-4 at bigo sina Biado at Garcia kina Ko Pin Yi at Ko Ping Chun, 5-6.
- Latest