MANILA, Philippines — Wala na si Cameroonian Ben Mbala sa La Salle kaya naman pagkakataon na ni Justine Baltazar na magpasiklab para sa Green Archers.
At hindi nito binigo ang Taft-based squad matapos magtala ang 6-foot-7 big man ng double-double output na 17 points at 12 rebounds sa 27 minutong paglalaro para dalhin ang Green Archers sa 80-76 panalo.
Muling humataw si Baltazar ng impresibong 16 points, 14 boards at tatlong blocks tungo naman sa 82-72 pananaig ng La Salle sa University of the East upang umangat ang kanilang tropa sa 2-1 marka.
Kaya’t karapat-dapat itong tanghaling Chooks-to-Go/UAAP Press Corps Player of the Week.
“Trabaho lang kami sa training, at saka sa game. Sabi ni coach, huwag kaming mag-relax kahit UE ang kalaban namin,” ani Baltazar.
Tiwala si La Salle coach Louie Gonzalez na magtutuluy-tuloy ang magandang inilalaro ni Bal-tazar sa kanilang mga susunod na laro.
“Ngayon, tsina-challenge ko siya. Noong Ja-nuary pa lang, and now na talagang nailagay na siya sa limelight, it’s a change of lifestyle for him. I know this kid was just waiting for his time.And this is his time,” dagdag ni Gonzalez.
Sa tatlong laro, nagrehistro si Baltazar ng ave-rages na 13.7 points, 11.7 rebounds at 1.7 blocks kada laro.
Tinalo ni Baltazar sa POW plum ang katropang si Aljun Melecio gayundin sina Jerrick Ahanmisi ng Adamson University at Prince Orizu ng Far Eastern University.