^

PM Sports

Close door match ang Gilas vs Qatar

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Close door match ang Gilas vs Qatar

MANILA, Philippines — Walang masasandalang homecourt advantage ang Gilas Pilipinas sa laban nito kontra bisitang Qatar ngayon sa pagpapatuloy ng 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa closed-door na Smart Araneta Coliseum.

Magaganap ang harapan sa alas- 7:30 ng gabi kung saan susubok ang Gilas na maipagpag agad ang dikit na kabiguan nito kontra Iran noong Huwebes.

Yumukod ang Gilas sa Iran, 73-81 sa Azady Gym sa Tehran upang mahulog sa 4-3 kartada sa Group F ng naturang Asian Qualifiers para sa 2019 FIBA World Cup na gaganapin sa China.

Sa ngayon, tengga pa rin sa ikatlong puwesto ang Gilas sa likod ng Australia at Iran na may 6-1 kartada at sa unahan lamang ng Japan (3-4), Kazakhstan (3-4) at Qatar (2-5).

Ngunit kakailanganin ng panalo ngayon upang mapatibay ang tangan sa ikatlong puwesto dahil tatlong koponan lamang sa kada-grupo ang aabante sa World Cup.

Sa kawalan ng homecourt edge ng Pinas, lalong humirap ang misyon na iyon ng Gilas, ayon kay Guiao dahil tanging mga media, TV broadcast crew, FIBA at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) officials lamang ang maaaring manood bilang isa nga sa parusa ng world governing body sa bansa kasunod ng rambol kontra Australia noong nakaraang Hulyo.

“Hindi mo mararamdaman ‘yung advantage mo. You’re like playing in neutral territory because you will not feel the crowd,” ani Guiao. “We know they’re supporting us but we will not feel that pre-sence in the venue.  Sayang ‘yun. Gusto sana naming backup ‘yung crowd.”

Ayon pa kay Guiao, malaking tulong sana ang presensya ng Filipino homecrowd upang mapawi ang kanilang pagod mula sa malayo at matagal na biyahe mula Iran.

Kadarating lamang ng Gilas sa bansa noong Sabado ng umaga matapos na ma-stranded sa Dubai ng 12 oras.

Bunsod nito, isang beses lamang nakapagsanay ang Pinas kahapon dahil na rin sa pananalasa ng Bagyong Ompong na nagpilit sa kanilang kanselahin ang ensayo noong Sabado ng gabi.

“We felt that homecourt advantage against Iran. Pampawala sana ng pagod. Energizer yung crowd eh. Sayang.”

Sa kabila nito, tiwala si Guiao na malaki ang tsansa nila kontra sa dayong Qatar na inaasahan din niyang pagod dahil kagaga-ling lang din nito sa 43-95 na kabiguan kontra Australia noon din nakaraang Huwebes sa Doha.

“Oo, pagod tayo at may jetlag at fatigue factor. Pero sila ganun din. So, in that aspect,  we’re even,” aniya. “I like our chances.”

Pangungunahan ang Gilas ng mga holdovers na sina Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Paul Lee, JP Erram, Asi Taulava, Scottie Thompson, Beau Belga, Ian Sangalang at Gabe Norwood na siyang natira sa 12-man line up ng koponan kontra Iran.

Natanggal naman kontra Qatar sina Allein Maliksi, Raymond Almazan at Christian Standhardinger sa pagpasok nina Japeth Aguilar, Matthew Wright at Stanley Pringle. 

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with