Slaughter nagkaroon ng minor ankle injury

MANILA, Philippines — Hindi pa man na­a­pru­bahan ang kanyang pa­­peles upang makapag­laro bilang local ay na­dagdagan na naman ang sakit ng ulo ni seven-foot center Greg Slaughter.

Ito ay dahil sa minor ankle injury na natamo ni­ya noong Miyerkules sa 104-98 panalo ng Barangay Ginebra kontra sa NorthPort sa 2018 PBA Go­vernors’ Cup.

“Right now, it’s still really painful. We’ll see after a couple of days,” ani Slaughter na dumalo sa ensayo ng koponan kamakalawa ng gabi sa Meralco Gym na may suot na brace sa kaliwang sakong.  “It was really un­lucky but I’m still doing everything I can to get back.”

Para naman kay coach Yeng Guiao, nilinaw niyang hindi seryoso ang pilay ni Slaughter na inaasahan niyang makakaba­lik na sa ensayo nila ma­tapos ang ilang araw na pa­hinga.

Maging 100 porsyen­to man ang paggaling, na­ngako si Slaughter na ilalaro ito dahil matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong makabalik sa national team.

“I really wanted to not be as bad as it is right now because I’ve really been loo­king forward to this op­portunity, I’m really ex­cited. Right now, it’s all about trying to get my ability to run and jump,” sabi ng Ginebra giant.

 

Show comments