Lalabanan si Palicte para sa super flyweight title
MANILA, Philippines — Itataya ni Filipino world three-division champion Donnie ‘Ahas’ Nietes ang kanyang 33-fight winning streak sa pagsagupa sa kapwa Pinoy na si ‘Mighty’ Aston Palicte para sa bakanteng World Boxing Organization super flyweight crown sa ‘SuperFly 3’ sa The Forum sa Los Angeles, California.
Hangad ng 36-anyos na si Nietes ang kanyang ikaapat na korona sa apat na weight division sa pagharap sa 27-anyos na si Palicte bukas (Manila time).
“Winning the world title will put me at the level of Manny Pacquiao and Nonito Donaire and will add worldwide recognition to my career,” sabi ng tubong Murcia, Negros Occidental.
Dadalhin ni Nietes ang kanyang 41-1-4 win-loss-draw ring record kasama ang 23 knockouts, habang taglay ng pambato ng Bago City na si Palicte ang 24-2-0 (20 KOs) card.
Ang bakbakan nina Nietes at Palicte ang ikatlong pagkakataon na mag-aagawan ang dalawang Filipino fighters para sa world boxing title.
Noong 1925 ay binigo ni world flyweight king Pancho Villa, miyembro ng International Boxing Hall of Fame, ang kanyang korona via unanimous 15-round decision win laban kay Clever Sencio sa Manila.
Samantala, noon namang Mayo 26 ay tinalo ni Jerwin Ancajas si mandatory challenger Jonas Sultan ng Cebu para mapanatiling hawak ang International Boxing Federation flyweight title sa Fresno, California.
“We are both here to do a job, and no matter what happens we will still be friends after the fight,” wika ni Palicte.
Mapapanood ang naturang ‘SuperFly3’ event sa ABS-CBN S+A.
Maaaring mapanood nang LIVE ang kanilang laban sa SKY Sports PPV sa halagang P99, tumawag lang sa 418 0000, pumunta sa opisina ng SKY o bisitahin ang www.mysky.com/pacman para mag-subscribe.
Magkakaroon ng replay ang laban ng dalawang Pinoy boxers sa Lunes at sa Biyernes ng alas-7 ng gabi.