MANILA, Philippines – Humakot si Bobby Ray Parks. Jr. ng 26 points, 6 assists at 5 rebounds para pamunuan ang Mandaluyong El Tigre sa 77-75 pagtakas laban sa Parañaque Patriots sa 2018 MPBL Datu Cup kamakalawa ng gabi sa Filoil Flying V Arena.
Ito ang ikaanim na panalo ng El Tigre sa pitong laro para makasosyo sa liderato ng Northern Division ang tatlo pang koponan.
May magkakatulad na 6-1 baraha ang Mandaluyong, Manila, Bataan at San Juan, nilumpo ang Zamboanga, 80-59, sa ikalawang laro.
Umiskor naman ang Knights ng 24 points sa third period at nilimitahan ang Valientes sa 10 markers.
Humugot si dating PBA guard John Wilson ng 15 sa kanyang 23 points sa second half para banderahan ang San Juan.
Nalasap ng Zamboanga ang kanilang ikaapat na kabiguan.