Guiao taas-noo sa naging kampanya ng Nationals

JAKARTA — Sampung araw na ensayo lang ang nagawa ni coach Yeng Guiao para ihanda ang “Gilastopainters’ na hin­di pa kasama ang Fil-Am NBA player na si Jor­dan Clarkson para sa Asian Games kaya marami ang hindi naniwala sa ka­kayahan nila.

Muntik pang hindi ma­kalaro ang Cleveland Ca­valiers player na hindi na nai­sa­lang sa unang la­ro ng Phl Team na binu­buo ng anim na players ng Rain or Shine na sina Chris Tiu, Gabe Norwood, Maverick Ahanmisi, James Yap, Beau Bel­­ga at Raymond Almazan, kasama sina Chris Standhardinger, Stanley Pringle, Paul Lee, Poy Erram at ang naging reserve player si Don Trollano.

“I thought it was a no win situation, I thought we were setting ourselves up to fail but I was wrong,” ang proud na pa­hayag ni Guiao. “I was dead­wrong. These guys made a commitment they played their hearts out and I have no regrets. I’ll do this again in a heartbeat.”

Nabigong mag-uwi ng medalya ang kopo­nang ito na ora-oradang bi­nuo kumpara sa teams ng ibang bansa na ta­on nang magkakasamang nag-training para sa Asiad, ngunit ang ka­ni­lang tinapos na pang-li­mang puwesto ay ipi­nag­mamalaki ng marami kung ikukunsidera ang la­hat ng kanilang pinagdaanan.

Ilang araw na lang ba­go ang Asian Games ay ini­hayag ng PBA ang pagpapadala ng team at si Guiao, ang anim na ta­ong coach ng Elasto Painters bago lumipat ng NLEX, bilang coach ng koponang malugod na si­nuportahan ng Rain Or Shine kapalit ng original team ng Gilas Pilipinas na may 10 players na si­nu­spindi ng FIBA gayundin ang head coach na si Chot Reyes.

Ngunit  wala pang 24 oras ay nagdesisyong umatras ang Samahang Bas­ketbol ng Pilipinas sa pagsali sa Asian Games na binatikos ng marami.

Dahil sa negatibong reak­siyon ng mga tao sa naging desisyon ng SBP, nagdesisyon uli ang mga opisyal na sumali sa Asiad, ngunit mula sa mas ma­gaang sanang Pool A ay napunta ang Gilas sa mas mahirap na Pool A kung saan nakasama nila ang mga bigating China at Kazakhstan.

Muntik pang hindi ma­kalaro si Clarkson dahil noong una ay ayaw siyang payagan ng NBA na kinailangang gawan ng pa­raan ng mga opisyal.

Isang araw bago ang unang laro ng Gilas ay pumayag ang NBA at agad-agad lumipad pa­­tungong Jakarta si Clarkson na dumating sa hu­ling bahagi ng laro gayunpaman ay nagtala ang Gilas ng impresibong 96-59 panalo sa Kazakhstan.

Ilang araw lamang na­kasama ng koponan sa ensayo si Clarkson bago harapin ang bigating Chi­na gayunpaman ay na­pahirapan nila ito bago isu­ko ang laro sa 80-82.

Sa likod ng presensi­ya ni Clarkson, hindi pa rin lumusot ang Gilas sa Korea, 81-92.

Ngunit kahit hindi na pang medalya ang la­ban ay nagpakita pa rin ng impresibong laro si Clarkson at ang buong ko­ponan nang kanilang pagbalingan ng sama ng loob ang Japan,** at ang Syria para sa kanilang pi­nakamagandang pagtatapos na maaaring ga­win.

“We’d like to thank Jor­dan Clarkson ang his group for giving us this opportunity, “ ani Guiao. “Marami siyang napasa­yang Pilipino, ipinakita niya ‘yung pagka-Pilipino niya, ‘yung commitment niya sa bansa,” sabi ni Guiao

Hindi rin naman na­ka­­limutang magpasala­mat ni Clarkson.

“I’m blessed with an opportunity to play in this Asian games. Everybody competed. I’ts been a great experience just being here to support my country and the flag,” ani Jordan na agad bumalik ng America para sa trai­ning camp ng Cleveland. “Thanks to everybody sup­porting us all the way through.”

 

Show comments