Gutang bagong Slam Dunk king

MANILA, Philippines — Hinirang si Justin Gutang ng St. Benilde bilang Slam Dunk King matapos magwagi kontra kina William De Leon ng Arellano at Enoch Valdez ng Lyceum sa 2018 94th NCAA All-Stars Games kahapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

 

“I wasn’t satisfied with my performance because I wasn’t able to practice that much but a win is a win,” sabi ni Gutang.

Nasungkit naman ni AC Soberano ng San Beda Red Lions ang kanyang ikalawang korona sa Three-Point Shootout matapos noong 2016.

Inilampaso ni Soberano si Exeqiel Biteng ng Ma­pua sa finals ng naturang event.

Sa ibang event, dinomina ni San Beda alumnus Rome de la Rosa ang Shooting Stars Competition, habang nakuha naman ni Mark Mallari ng JRU ang Skills Challenge title.

Kahit kapalit lamang siya sa hindi nakarating na orihinal entry na si Jake Pascual ay ipinakita ni De La Rosa ang husay kasama sina Calvin Oftana at Penny Estacio ng Red Cubs.

“Hindi ko alam ito eh. Sakto nandito ‘yung bro­ther ko sa three-point shootout so I joined,” sabi ni Dela Rosa, nasa venue lamang para suportahan ang kanyang kapatid na si Ry De La Rosa ng JRU.

Tinalo naman ni Oftana sina Yong Garcia, Exe Biteng at Clint Escamis ng Mapua para iangat ang Red Lions sa titulo.

“I’m just thankful to be able to experience this. Iyong time ko, wala pang All-Star eh,” sabi ng four-time NCAA champion na si De La Rosa.

Show comments