^

PM Sports

Pilipinas nabigong makasikwat ng medal

Mae Balbuena-Villena - Pang-masa

JAKARTA — May pag-asang madagdagan ang apat na gintong me­dalya ng Pilipinas sa 18th Asian Games na maaa­ring magmula sa boxing com­petition na magtatapos ngayon sa Jakarta International Expo.

 

Lalaban para sa gold medal ang Olympian na si Rogen Ladon sa finals ng men’s flyweight 52kgs. kontra kay Jasurbek Latipov ng Uzbekis­tan, ang two-time World championships silver me­­dalist, ngayong alas-2:15 ng hapon (3:15 p.m. Manila time).

Ginamit ng tubong Val­ladolid, Negros Occi­dental ang kanyang left straight sa first round ba­go naputukan sa kilay mu­la sa isang head butt.

Huling nanalo ng bo­xing gold ang Pinas no­ong 2006 sa Qatar Asiad m­ula kina Violito Pay­la at Joan Tipon.

Samantala, nahirapan muna ang Philippine wo­men’s volleyball team sa Ka­zakhs­tan nang uma­bot sa li­mang sets ang laban ba­go isuko ang 11-25, 25-22, 15-25, 25-19, 16-14 pagkatalo.

Bunga nito ay ta­nging 7th place sa consolation round na lamang ang ha­bol ng Pinay volleybelles kung saan makakalaban nila ang Indonesia nga­yong alas-10 ng umaga (11 a.m. Manila time).

“More than frustrations, alam mo ‘yung pa­­rang nakaka-excite ulit mag-training, mag-team up with these girls kasi alam mong malayo ‘yung ma­rarating,” sabi ni star player Alyssa Valdez.

Matapos ang 12-araw ng aksiyon, ang Pinas ay mayroon nang 4 gold, 1 silver at 13 bronze me­dals para sa kabuuang 18 medals na humigit na sa 1-2-11 (gold-silver-bronze) ng Pilipinas no­ong 2014 Incheon Asian Games.

Ang apat na gold ng Pinas ay mula kina weightlifter Hidilyn Diaz, skateboarder Margielyn Di­dal, golfer Yuka Saso na nanguna rin sa golf women’s team kasama si­na Bianca Pagdanganan, nanalo rin ng bronze at Lois Kaye Go.

Ang mga bronze me­dalists ay ang men at wo­­men’s poomsae team, taekwondo jin Pauline Louise Lopez, wushu ar­tists Agatha Wong at Divine Wally, jiu-jitsu Meggie Ochoa, Fil-American BMX rider Da­niel Caluag, Pagdanganan at apat sa pencak silat mula kina Cherry Mae Regalado, Divine Wally, Almohaidib Abad Dines Dumaan at Jefferson Rhey Loon.

Dahil walang medal­yang nairehistro ang Pilipinas kahapon ay napako ang kampanya ng bansa sa pang-17 place kagabi ng alas-6 sa likod ng Singapore na mayroon ding 4 golds ngunit may 4 silver at 12 bronze me­dals.

Nasa ilalim naman ng Pilipi­nas ang United Arab Emi­­rates na may 3-6-4.

Bukod sa boxing, lumalaban pa ang mga pam­bato ng Pinas sa soft tennis, sailing, bridge at triathlon.

ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with