MANILA, Philippines — Buhay pa ang pag-asa ng Pilipinas para sa medalya matapos umusad sa quarterfinals si Criztian Pitt Laurente sa 2018 AIBA Youth Men’s and Women’s World Championships na ginaganap sa Duna Arena sa Budapest, Hungary.
Naitala ng Children of Asia gold medalist ang 4-0 unanimous decision win laban kay Akash Kumar ng India sa second round ng men’s bantamweight (56 kg.) division.
Susubukan ni Laurente na makahirit ng tiket sa semifinals sa pakikipagtipan kay Daniyal Shahbakshsh ng Iran na nagtala ng 4-1 panalo kontra kay Jean Damien Gregory Hellene ng Mauritius.
Si Laurente na lamang ang nalalabing pag-asa ng Pilipinas matapos matalo sina Criz Russu Laurente, Jima Baja at Milenino Anduyan sa kani-kanilang kategorya sa torneong nilahukan ng mahigit 50 bansa.