May tsansa sa medalya sa pencak

JAKARTA—Umabante si Cherry May Regalado sa medal round ng form event ng pencak silat sa 18th Asian Games.

Ito ay matapos siyang tumabla sa second spot kasama si Vuong Thi Binh ng Vietnam sa magkatulad nilang 447 points sa Group A ng women’s single preliminary round.

Si Vilaysack Tunee ng Laos ang namuno sa preliminary sa kanyang 455 points.

Nabigo naman si Pre­cious Jade Borre na ma­kapasok sa medal round nang matalo kay Vietna­mese Hoang Thi Loan, 0-5, sa quarterfinals ng wo­men’s Class C 55-60 kgs.

Samantala, target nina Dines Dumaan at Jef­fer­son Rhey ang silver medal sa pagsagupa sa ka­ni-kanilang karibal sa semis ng men’s singles tanding (sparring).

Lalabanan ni Dumaan si Malaysian Muhammad Fayzul Nazir  at makaka­ta­pat ni Loon si Nguyen Ngoc Tuan ng Vietnam.

Show comments