Go humihingi ng extra day sa mga Asiad organizers

PALEMBANG — Hi­hilingin ni Philippine Ca­noe Kayak Dragon Boat Federation president Jonne Go sa mga or­ganizers ng 18th Asian Games na bigyan ang kan­yang mga dragon boat paddlers ng isang araw na ensayo para ma­gamay ang competition ve­nue.

Kagaya ng karamihan ng mga sport ay nilimita­han ng organizers ang prac­tice times ng lahat ng koponan maliban sa ka­nilang tropa.

Ang dragon boat squads ng Pilipinas ay bi­nigyan lamang ng isang araw para mag-ensayo no­ong Sabado sa Jaka­ba­ring Sports City Lake.

“I got a text from coach Lenlen (Escollan­te) informing me that we are only allowed to train on the 24th, or one day before the competition,” wika ni Go matapos du­ma­ting dito noong Lunes. “Nagtataka ako kung ba­kit.”

“I have always said that the host country will always have the advantage, but one-day training for other countries for me is not reasonable. Dapat at least two to three days.  Even if you ask the countries they will say the same,” dagdag pa nito.

Ayon sa PCKDBF chief, hindi sapat ang isang araw na ensayo pa­ra makuha ng mga na­tional dragon paddlers ang race conditions.

Show comments