Pinay spikers yumukod sa bigating Thailand

Nakalusot ang hataw ni Alyssa Valdez laban kina Hattaya Bamrungsuk at Pimpichaya Kokram ng Thailand.
Joey Mendoza

JAKARTA — Hindi ki­naya ng Philippine wo­men’s volleyball team ang lakas ng Thailand at na­lasap ang 22-25, 12-25, 15-25 kabiguan sa pag­­bubukas ng kanilang kampanya sa 18th Asian Games sa Gelora Bung Karno (GBK) Indoor Court kahapon.

Armado ng 10-araw na training sa Japan, nagpakitang-gilas ang Philip­pine volleybelles nang magawa nilang lumamang sa 9-2 sa kaagahan ng laban upang tapusin ang first set sa dikit na 22-25.

Ngunit hindi na sila pi­naporma ng Southeast Asian Games perenial champion na Thailand sa mga sumunod na sets upang malasap ang kabiguan sa pagbabalik ng Pi­nas sa unang pag­kaka­taon sa women’s vol­leyball na huling sina­li­han no­ong 1982.

Makakapagpahinga at makakapaghanda nga­yon ang Philippine Team bago sumabak uli bukas kontra sa Japan sa alas-4:30 ng hapon (5:30 p.m. sa Manila) sa Bulungan Sport Hall.

May pag-asa pa rin  ang Pilipinas na makapa­sok sa knockout stage da­hil may tatlong laro pa silang natitira at kaila­ngan lamang nilang pumuwesto sa top four sa five-team group.

Umiskor si Alyssa Valdez ng 7 points at nagdagdag naman ng tig-6 sina Jaja Santiago at Kim Kianna Dy para sa Pinas.

Humataw naman si­na Chatchu On Moksri, Pimpichaya Kokram at Pleumjit Thinkaow na may pinagsama-samang 38 points para sa panig ng Thailand.

Show comments