SAN ANTONIO - Nagtapos na ang halos pitong buwan na drama ni star forward Kawhi Leonard at ng Spurs.
Ibinigay ng San Antonio si Leonard kasama si guard Danny Green sa Toronto Raptors para makuha sina DeMar DeRozan, Jakob Poeltl at isang protected 2019 first-round pick.
Hindi naglaro si Leonard sa Spurs ni coach Gregg Popovich sa huling limang buwan ng nakaraang season dahil sa isang quadriceps injury.
Bago maplantsa ang trade ng Spurs at Raptors ay nagpahayag din ng interes kay Leonard ang Los Angeles La-kers, Boston Celtics, Cleveland Cavaliers at Philadelphia 76ers.
Kung magiging free agent si Leonard matapos ang isang season sa Toronto ay maaaring mag-alok sa kanya ang Raptors ng isang five-year, $190 million deal.
Iniulat ng ESPN at ng The Sporting News na walang plano si Leonard na maglaro sa Toronto at posibleng maupo sa darating na season para makapu-wersa ng trade.
“Been told one thing & the outcome another. Can’t trust em. Ain’t no loyalty in this game. Sell you out quick for a little bit of nothing... Soon you’ll understand... Don’t disturb,” pahayag naman ni DeRozan sa kanyang Instagram page.
Sa Oklahoma City, gusto ng Thunder na makuha sina guard Dennis Schroder at forward Mike Muscala sa isang trade na magdadala kay forward Carmelo Anthony sa Atlanta Hawks.
Sinasabing ang Hous-ton Rockets ang makakahugot ay Anthony kapag pumunta siya sa free agency.
Sa Boston, inalok ng Celtics si restricted free agent guard Marcus Smart ng isang four-year deal na nagkakahalaga ng $46 hanggang $50 milyon.
Nakumpleto ng 24-anyos na si Smart ang kanyang fourth season sa prangkisa at sinabing gustong manatili sa Celtics, pumili sa kanya bilang sixth overall noong 2014 NBA Draft.