^

PM Sports

Khawi seryosong sumali sa USA national team camp

Pang-masa
Khawi seryosong sumali sa USA national team camp
Kawhi Leonard

SAN ANTONIO - Seryoso si Spurs forward Kawhi Leonard na sumali sa USA Basketball national team minicamp sa susunod na linggo para ipakita ang kanyang kondisyon sa harap ng mga potential trade partners, ayon sa report ng ESPN.

Nauna nang humiling si Leonard, nakita lamang sa siyam na laro sa nakaraang season bunga ng isang quad injury, sa San Antonio ng trade.

Ayaw na din niyang manatili sa Spurs sa kabila ng pagpupursige ni coach Gregg Popovich na kumbinsihin siyang muling maglaro sa koponan.

Bilang national team head coach ay si Popovich ang mamamahala sa minicamp na idaraos sa University of Nevada-Las Vegas.

Gustong ipakita ni Leonard sa minicamp na nakabangon na siya mula sa isang quad injury na nag-iwan ng lamat sa relasyon niya sa Spurs.

Ang paglahok niya sa minicamp ang maaaring magplantsa sa isang trade o magbigay sa San Antonio ng pagkakataong mapapirma ang All-Star forward sa isang bagong kontrata kasabay ng pag-aayos sa kanilang sigalot.

Hangad ng Spurs na makuha ang malaking pac-kage kung ite-trade si Leonard, samantalang nag-alok lamang ang Philadelphia 76ers at Boston Celtics ng mga draft picks at hindi mga star players.

Nakausap na rin ng San Antonio para sa trade kay Leonard ang Los Angeles Clippers, Denver Nuggets, Phoenix Suns, Portland Trail Blazers, Toronto Raptors at Washington Wizard.

Ngunit ilan lamang ang nag-alok ng major trade packages dahil na rin sa kondisyon ni Leonard, maaari nang lumagda sa isang five-year, $221 million super-max-level extension sa anumang koponan.

KAWHI LEONARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with