MANILA, Philippines — Sariwa pa ang tagumpay na dala ni eight-division world champion Manny Pacquiao matapos ang impresibong seventh-round technical knockout win laban kay Lucas Matthysse ng Argentina ngunit ngayon pa lang, limang matitikas na boxers agad ang lumulutang na posibleng makaharap nito sa kanyang susunod na laban.
Nangunguna na si listahan si undefeated Floyd Mayweather Jr. para sa posibleng Mayweather-Pacquiao II.
“Mayweather? If he decides to go back to boxing then that is the time we are going to call the shots. I have the belt, so it’s up to him. If he wants to come back in boxing let’s do a second one,” wika ni Pacquiao.
Gayunpaman, nakasalalay pa rin ito kay Maywea-ther na kasalukuyang nag-eenjoy sa buhay retirado.
Ngunit kung magbabalik-aksiyon si Mayweather, handa si Pacquiao na muli itong makasagupa.
Nagwagi si Mayweather sa kanilang unang paghaharap noong 2015 via unanimous decision at umaasa ang kampo ni Pacquiao na siya ang kauna-unahang dudungis sa 50- imakuladang rekord ng Amerikano.
Nasa listahan din si Australian Jeff Horn na nagtala ng unanimous decision win kontra kay Pacquiao noong nakaraang taon para maagaw ang WBO welterweight belt ng Pambansang Kamao.
Pasok din ang pangalan ni Terence Crawford na siya namang tumalo kay Horn para tanghaling bagong WBO welterweight champion.
Para muling mabawi ang WBO belt, kailangan ni Pacquiao na pataubin si Crawford na kasalukuyang best pound-for-pound fighter.
Magbabalik-aksiyon na rin si Ukrainian lightweight champion Vasyl Lomachenko matapos ang ilang buwang pahinga makaraang sumailalim sa shoulder surgery.
At isa si Pacquiao sa mga nais makalaban ng kampo ni Lomachenko.
Nasa 135 lbs ang dibisyong nilalabanan ni Loma-chenko habang nasa 147 lbs ang napanalunang ka-tegorya ni Pacquiao laban kay Matthysse.
Subalit hindi problema kay Pacquiao ang pagbaba ng timbang para kay Australian conditioning coach dahil mabilis ang metabolismo ng Pinoy champion.
Hindi rin mawawala ang pangalan ni light welterweight champion Amir Khan.
Maghaharap sana sina Pacquiao at Khan noong nakaraang taon sa Dubai subalit hindi ito natuloy dahil sa usaping pinansiyal.
Sa ngayon, nais munang namnamin ni Pacquiao ang kaniyang tagumpay kasama ang kaniyang pamil-ya at ang buong sambayanan.